Kahapon birthday ng aming pinakamamahal na tatay-tatayan, kuya-kuyahan, teacher-teacheran, at kaibigan na pari. Golden boy na siya kaya nagpaparty. Nung una ayoko pa sanang pumunta kasi nahihiya ako pero pumunta pa rin ako. Ang dami na kasi niyang naitulong sa akin kaya abot langit ang hiya ko na tiyan lang ang madadala ko sa celebration niya.
Lunch time talaga ang usapan at nakalagay sa invitation, pero, as usual, nagpahuli kami kasi nakakahiya talaga. Hindi kasi basta-basta yung kaibigan namin na iyon. Burgis ang lolo mo. Hahaha. Pero ayon. Tumuloy na rin kami. Dumating kami doon nang bandang 2:30 ng hapon.
Gusto ko na sanang lumubog sa kinatatayuan ko nang nakita ko ang mga bisita niya. Disappear, disappear - iyan ang sinasabi ko sa sarili ko. Hindi nangyari ito syempre kaya wala akong nagawa kundi mag-stay.
Kumakanta si Father sa stage nung dumating kaming dalawa ng kaibigan ko. Hinintay muna namin siya matapos bago kami lumarga sa buffet. Ahihihi.
Pumunta sa table namin si Father nung patapos na yung party niya. Nakipag-chikahan saglit saka nag-goodbye goodbye sa mga amigo at amiga niya na paalis na non.
As usual, tahimik lang ako. Hindi ko kasi malaman kung anong dapat sabihin sa presensya ni Father. Yung kasama ko kasi edukada much. Di ko naman bet gaano yung mga usapan na trip nila kapag silang dalawa ang magkasama kasi boring para sa akin. 'Yon tuloy ngingiti-ngiti, tatango-tango lang ako. Hahaha. Di ko nga malaman kung bakit kami naging close ni Father.
Pagkatapos ng ilang ngiting galing sa tiyan at ilang mini headbang kakatango, dumating na rin yung isa naming kaklase - ang dragonball z sa energy naming kaklase. Super saiyan sa saya.
Limang taon na kami mula nung huling nagkita kaya tuwang-tuwa talaga ako nung nakita ko siya.
Hindi na ako magdedetalye pa masyado pero mayroon akong isang bagay na narealize sa pagdating ng dati naming kaklase na iyon. Pwede pala yung maging totoong ikaw lang ikaw. Hindi siya 'sing class ng iba pero mas gusto ko siya kasama kesa sa sarili ko o sa kaibigan ko. Siguro ganon din si Father. Haha. Iba kasi yung sayang dala ng kaklase namin na iyon. Raw na raw yung energy at mga banat kaya nakakarefresh ng pagkatao.
Ang saya lang. Ayon. :D
Lunes, Marso 23, 2015
Huwebes, Marso 19, 2015
Kaunting Inspirasyon
Wala kaming pasok dapat ngayon kung tutuusin pero pumasok pa rin ako. Panahon na kasi ng final exams next week kaya yung ibang instructors hindi pumupunta ng mga klase para raw makapag-review kaso yung Filipino subject ko pumasok pa rin, as always, pero maganda naman yung nangyari kahit "nagklase" kami sa loob ng 30 minutes.
Pinasulat niya kami ng limang tanong sa maliit na papel, pagkatapos hinati ang klase sa dalawang grupo, at pinaglaro na kami. Tatanungin namin ang kabilang grupo gamit yung mga sinulat namin. Ang manalo raw may plus 10.
Nanalo kami. Ahihi.
7:15 kami nagsimula, 7:39 tapos na kami sa laro namin. Tapatan, partners, lang kasi ang pagtanong at pagsagot. Ganoon kami kakaunti kanina. Tig-siyam lang bawat grupo.
Mahaba pa ang oras kaya nakapagkwento pa si Madam Filipino. Ang naghudyat doon ay ang pagpapapirma ng clearance ng mga kaklase ko. Naumpisahan sa mga graduating students na nagkaroon ng problema sa mga papeles nila kaya hindi maiproseso para sa graduation. Naisip ko kapag ako ang nasa ganoong posisyon, hahayaan ko lang pero malabo kasi masinop naman ako sa mga papeles; maliban na lang sa registration form ko nung first sem kasi napanggatong ng aking ina. Hahay.
Hindi ko na matandaan kung paano napunta sa usaping sunog pero napunta doon yung kwento niya. Tatlong beses daw silang nasunugan. Natuwa ako sa parte na sinabi niyang hinayaan na lang nila sa abo yung mga gamit nila kasama na kahit pa yung mga alahas. Napagtanto raw kasi nila na materyal lang talaga iyon. Nanghinayang daw siya nung una pero nung nakita niyang hindi na tulad ng dati ang lagay ng mga gamit dahil sa apoy, pinakawalan na niya ang mga 'yon. Sa panahon din daw na iyon niya naappreciate ang kahalagahan ng pagkakaibigan. Talagang pumunta raw sa kanila yung mga kaibigan nila para tumulong. Higit pa sa nawala yung naipalit sa mga na iyon.
Nabuhayan ako ng loob nung sinabi niya na, sa paglaon ng pagkukwento, wala naman talaga siyang pera pero dahil sa pagtitiyaga at matalinong paghawak ng kung anong meron siya, nakakaraos din. Nakakalibot pa siya sa Pilipinas at nakakapunta rin ng ibang bansa dahil sa iba niya pang trabaho bukod sa pagtuturo.
Naalala ko yung nabasa ko minsan, wala raw talagang pera ang manunulat.
Totoo man 'yan, sa tingin ko kung yaman ang pag-uusapan, hindi sagana sa pera ang manunulat kundi sa karanasan at kasiyahan.
Ay, ewan. Di ko na alam sinasabi ko. Hahaha. Hanggang dito na lang. Magandang araw. :)
Linggo, Marso 15, 2015
Mula sa Itaas
Ngayong araw na ito iniakyat namin dito sa second floor yung desktop computer namin kasi mahina ang signal ng net sa ibaba. Gusto ko lang ibahagi kung gaanong kalaki ang epekto nitong maliit na pagbabago sa akin.
Sana magawa ko. Haha.
Kagabi kakapanood ko lang ulit ng About Time. Sa huling part ng movie, doon ko nakita kung paanong ikaw ang may hawak sa buhay mo - sa mga nangyayari sa bawat araw na inilagi mo sa mundo. Kung ano man ang maging outcome non, ikaw ang may dulot.
Ngayong nandito sa itaas ang computer namin, mas naramdaman ko yung kalayaan. Hindi ko alam kung paano ikukuwento kung bakit ganito ang impact nito sa akin, pero sa kanan ko nakikita ko ang mga puno at sa kaliwa ang langit, at dahil dito may bahagi sa akin na nabuhay. Noong sa baba pa ako gumagamit ng computer, ang nakikita ko sa kanan ko ay ang tv at sa kaliwa ang litter box ng mga alaga naming pusa.
Iba. Mayroon talagang nag-iba ngayon.
Matatapos na ang isang academic year sa nilipatan kong university pero wala pa ring nangyayaring redemption sa akin doon. One down, three to go. Matatapos na nga lang, pahirap pa rin. Hindi pa rin kasi ako nakakapag-adjust. Pakiramdam ko hindi pa rin talaga ako parte ng lugar na iyon.
Tulad nga ng sinabi ko sa itaas, hawak ko ito kaya ako rin ang may kasalanan nito, pero sa maniwala man o sa hindi, sinubukan ko.
Nahihirapan lang din siguro ako sa hindi nagbabagong pagtrato sa akin na parang isang dayo. Pero... Ibang istorya na ito. Haha.
Mabalik na sa paglipat ng computer...
Nitong mga nakakaraang araw gusto ko na talaga gawin ang matagal ko nang gustong gawin - ang magsulat. Pangarap ko kasi talagang maging writer. Hindi ko na makita ang sarili ko na iba ang ginagawa. Nakakatawa lang isipin na tanggap ko sa sarili ko na kahit hindi man tangkilikin ang mga gagawin ko, alam kong magiging masaya ako basta makapagsulat lang. Siguro kukuha ako ng kahit anong trabaho na maaasahan kong hugutan ng pera buwan-buwan, pero hindi ako hihinto magsulat.
Ngayong umaayon na sa akin ang paligid ko, sa tingin ko ito na ang hudyat ko.
Mayroon na kong dalawang nagawa. Ipinacheck ko sa kuya ko kasi iyon nagsusulat talaga, news nga lang pero pwede na. Draft pa lang ang mga iyon. Di naman sa pagmamayabang pero tatlong oras ko lang ginawa. (Insert evil laugh)
Ipinacheck ko kasi gusto ko malaman kung may sense ba ako kahit paano, kung may patutunguhan ba ako. Kung meron ba akong raw somethin' sa akin. Hahaha. Naniniwala kasi ako na kapag meron ako nung raw somethin' na iyon, maniniwala na ako na may espesyal na katangian sa akin tulad ng mga sinasabi sa ilang pelikula na ang bawat tao ay mayroong distinct somethin' sa kaniya. Ito ang nagtulak sa akin na kahit draft pa lang, ipacheck ko na para matapyas na agad yung rough edges.
Lumilinga-linga ako sa paligid ko tuwing hihinto ako mag-type. May iba na talaga. Mula dito sa itaas, iba na ang nakikita ko.
Mula sa araw na ito, sa tingin ko mag-iiba na rin ang takbo ko.
Siguro kung medyo down rin ang makakabasa nito, try mo lang umakyat at tignan ang paligid mula sa itaas. Baka may mag-iba rin sa'yo. :)
***

Miyerkules, Enero 14, 2015
Sawi-il
Noong nakaraang Linggo nagpaalam ako sa kuya ko na nagpapa-aral sakin na hihinto muna ako sa pag-aaral para magtrabaho.
Kumplikado na ang sitwasyon dito sa bahay. Nakakasira na ng ulo, sa totoo lang.
Mahirap ipaliwanag kung ano talaga yung nararamdaman ko kaya, syempre, di kami nagkaintindihan ng kuya ko. Hindi niya ako pinayagan.
Sabi pa niya di na raw niya ko kakausapin kapag huminto ako.
21 years old na ko pero irregular 1st year student pa rin ako. Graduates na karamihan ng kasabayan ko nung 2010, pero heto ako, nagpupumilit huminto ulit. Ang gusto lang naman ng kuya ko makagraduate ako para makakuha ng magandang trabaho sa hinaharap.
Sabi niya mahihirapan daw ako kapag hindi ako makakuha ng diploma, sagot ko, wala namang madali.
Walang madali lalo na kung puso ang sinusunod. Iisa lang ang gusto nito mangyari - ang sumaya ako. Wala itong alam kung paano iyon abutin kaya kailangan ang utak para humanap ng diskarte.
Iyon sana ang gusto kong gawin. Handa na ako. Ngayong kinaya ko na lahat ng hirap na ipinaranas sa akin, ngayon pa ba ko susuko?
Mahirap lang bumitiw kasi sa lahat ng tao, ang kuya kong iyon ang pinakaayaw kong masaktan. Siya kasi sumalo sa akin noong bitawan ako ng tatay ko.
Sa tingin ko, bata pa rin ang tingin niya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi kasi nakita niya kung paano ako umiyak noong mga panahon na iniwan ako sa ere.
Sa tingin ko naman, nasa hustong edad na ako para hindi maging pabigat. Oo, mahirap yung daan na gusto ko tahakin pero alam ko na iyon ang gusto ko - gusto kong maranasan ulit na magbanat ng buto, mapagod sa byahe, magutom sa trabaho, at pagkatapos ng mga iyon ay sumweldo, mag-ipon, at mabigyan ng konting kaginhawan ang pamilya namin.
Gusto kong maranasan ulit ang mga iyon dahil iyon ang makakapagpatibay sa akin. Umalis man ako ng unibersidad, hindi lang naman sa lugar na iyon nakukuha ang mga leksyon, lalo na iyong mga leksyon ng buhay.
Kung alam lang niya sana kung ano ang binubuno ko sa unibersidad ko ngayon, maiintindihan niya siguro ako. Nung binigyan ko naman siya ng detalye, sabi niya pagtiyagaan ko na lang daw.
Sa totoo lang, para akong yung labing-isang taong batang pilit na isinakay sa maliit na kotse-kotsehang paikot-ikot lang sa peryahan dahil nakasakay din doon ang maliliit kong mga pinsan. Tungong-tungo ang ulo ko sa hiya.
Gusto kong kumawala roon. Gusto kong umalis sa gawi ng karamihan.
Sabi ko kay Kuya, mag-iipon na lang ako para makapag-aral sa ibang bansa. Kahit may alinlangan akong itutuloy ko pa ang pag-aaral, wala na akong maisip na ibang dahilan para makumbinse siya.
Sa huli, sabi niya, huwag pa rin ako tumigil.
Mahal ko siya. Importante siya sa akin kaya hindi ko siya susuwayin. Parang iyon na lang kasi yung hinihingi niyang kapalit ng lahat ng itinulong niya sa akin.
Hindi ako masaya. Marami sana akong gustong gawin. Tatlong taon lang naman ang hinihiling niya sa akin. Mabilis lang naman daw iyon.
Sana.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)