Kahapon birthday ng aming pinakamamahal na tatay-tatayan, kuya-kuyahan, teacher-teacheran, at kaibigan na pari. Golden boy na siya kaya nagpaparty. Nung una ayoko pa sanang pumunta kasi nahihiya ako pero pumunta pa rin ako. Ang dami na kasi niyang naitulong sa akin kaya abot langit ang hiya ko na tiyan lang ang madadala ko sa celebration niya.
Lunch time talaga ang usapan at nakalagay sa invitation, pero, as usual, nagpahuli kami kasi nakakahiya talaga. Hindi kasi basta-basta yung kaibigan namin na iyon. Burgis ang lolo mo. Hahaha. Pero ayon. Tumuloy na rin kami. Dumating kami doon nang bandang 2:30 ng hapon.
Gusto ko na sanang lumubog sa kinatatayuan ko nang nakita ko ang mga bisita niya. Disappear, disappear - iyan ang sinasabi ko sa sarili ko. Hindi nangyari ito syempre kaya wala akong nagawa kundi mag-stay.
Kumakanta si Father sa stage nung dumating kaming dalawa ng kaibigan ko. Hinintay muna namin siya matapos bago kami lumarga sa buffet. Ahihihi.
Pumunta sa table namin si Father nung patapos na yung party niya. Nakipag-chikahan saglit saka nag-goodbye goodbye sa mga amigo at amiga niya na paalis na non.
As usual, tahimik lang ako. Hindi ko kasi malaman kung anong dapat sabihin sa presensya ni Father. Yung kasama ko kasi edukada much. Di ko naman bet gaano yung mga usapan na trip nila kapag silang dalawa ang magkasama kasi boring para sa akin. 'Yon tuloy ngingiti-ngiti, tatango-tango lang ako. Hahaha. Di ko nga malaman kung bakit kami naging close ni Father.
Pagkatapos ng ilang ngiting galing sa tiyan at ilang mini headbang kakatango, dumating na rin yung isa naming kaklase - ang dragonball z sa energy naming kaklase. Super saiyan sa saya.
Limang taon na kami mula nung huling nagkita kaya tuwang-tuwa talaga ako nung nakita ko siya.
Hindi na ako magdedetalye pa masyado pero mayroon akong isang bagay na narealize sa pagdating ng dati naming kaklase na iyon. Pwede pala yung maging totoong ikaw lang ikaw. Hindi siya 'sing class ng iba pero mas gusto ko siya kasama kesa sa sarili ko o sa kaibigan ko. Siguro ganon din si Father. Haha. Iba kasi yung sayang dala ng kaklase namin na iyon. Raw na raw yung energy at mga banat kaya nakakarefresh ng pagkatao.
Ang saya lang. Ayon. :D
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento