Huwebes, Marso 19, 2015

Kaunting Inspirasyon

Wala kaming pasok dapat ngayon kung tutuusin pero pumasok pa rin ako. Panahon na kasi ng final exams next week kaya yung ibang instructors hindi pumupunta ng mga klase para raw makapag-review kaso yung Filipino subject ko pumasok pa rin, as always, pero maganda naman yung nangyari kahit "nagklase" kami sa loob ng 30 minutes.

Pinasulat niya kami ng limang tanong sa maliit na papel, pagkatapos hinati ang klase sa dalawang grupo, at pinaglaro na kami. Tatanungin namin ang kabilang grupo gamit yung mga sinulat namin. Ang manalo raw may plus 10.

Nanalo kami. Ahihi.

7:15 kami nagsimula, 7:39 tapos na kami sa laro namin. Tapatan, partners, lang kasi ang pagtanong at pagsagot. Ganoon kami kakaunti kanina. Tig-siyam lang bawat grupo.

Mahaba pa ang oras kaya nakapagkwento pa si Madam Filipino. Ang naghudyat doon ay ang pagpapapirma ng clearance ng mga kaklase ko. Naumpisahan sa mga graduating students na nagkaroon ng problema sa mga papeles nila kaya hindi maiproseso para sa graduation. Naisip ko kapag ako ang nasa ganoong posisyon, hahayaan ko lang pero malabo kasi masinop naman ako sa mga papeles; maliban na lang sa registration form ko nung first sem kasi napanggatong ng aking ina. Hahay. 

Hindi ko na matandaan kung paano napunta sa usaping sunog pero napunta doon yung kwento niya. Tatlong beses daw silang nasunugan. Natuwa ako sa parte na sinabi niyang hinayaan na lang nila sa abo yung mga gamit nila kasama na kahit pa yung mga alahas. Napagtanto raw kasi nila na materyal lang talaga iyon. Nanghinayang daw siya nung una pero nung nakita niyang hindi na tulad ng dati ang lagay ng mga gamit dahil sa apoy, pinakawalan na niya ang mga 'yon. Sa panahon din daw na iyon niya naappreciate ang kahalagahan ng pagkakaibigan. Talagang pumunta raw sa kanila yung mga kaibigan nila para tumulong. Higit pa sa nawala yung naipalit sa mga na iyon.

Nabuhayan ako ng loob nung sinabi niya na, sa paglaon ng pagkukwento, wala naman talaga siyang pera pero dahil sa pagtitiyaga at matalinong paghawak ng kung anong meron siya, nakakaraos din. Nakakalibot pa siya sa Pilipinas at nakakapunta rin ng ibang bansa dahil sa iba niya pang trabaho bukod sa pagtuturo.

Naalala ko yung nabasa ko minsan, wala raw talagang pera ang manunulat.

Totoo man 'yan, sa tingin ko kung yaman ang pag-uusapan, hindi sagana sa pera ang manunulat kundi sa karanasan at kasiyahan.


Ay, ewan. Di ko na alam sinasabi ko. Hahaha. Hanggang dito na lang. Magandang araw. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento